Home METRO OFW dedo sa tandem sa Batangas

OFW dedo sa tandem sa Batangas

141
0

MANILA, Philippines – IDINEKLARANG dead on arrival ang isang OFW na babae makaraang pagbabarilin ito sa batok ng mga hindi nakikilalang riding in tandem sa Barangay Balatbat Lobo, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Lorna Boongaling  53, Overseas Filipino Worker (OFW), naninirahan sa nabanggit na lalawigan.

Nagawa pang maisugod sa ospital ang biktima pero idineklara na itong patay dahil sa tinamong tama ng bala sa batok mula sa kalibre 45 pistol.

Samantala, patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang hind nakikilalang suspek na pawang nakasuot ng kulay itim na bonnet, black long sleeves, black pants at lulan ng Kawasaki Barako motorcycle.

Base sa imbestigasyon ng Lobo Police Station sa pinangyarihan ng insidente dakong alas-11:23 ng tanghali habang ang biktima at ina nito na kapwa sakay ng isang tricycle ay pauwi ng kanilang bahay nang biglang pagbabarilin ng tatlong beses ang biktima ng isa sa dalawang suspek.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng pagkakapaslang sa biktimang OFW. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here