Home NATIONWIDE Pag-adopt ng UN sa reso na nagtataguyod ng seafarers human rights aprub...

Pag-adopt ng UN sa reso na nagtataguyod ng seafarers human rights aprub sa DOTr

157
0

MANILA, Philippines – Pinuri ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatibay ng resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na naglalayong protektahan at itaguyod ang karapatang pantao ng mga marino sa buong mundo.

Ang resolusyon ay magbibigay-daan sa gobyerno ng Pilipinas na “isulong ang mga karapatan at interes ng mga Filipino seafarer” na bumubuo sa mahigit isang-kwarter ng humigit-kumulang 2 milyong marino sa buong mundo, sinabi ng DOTr sa isang pahayag.

“Aspiring for the Philippines to be recognized as the ‘Maritime Capital of the World,’ we will ensure the rights and welfare of Filipino seafarers are properly protected,”

Ang resolusyon ay nananawagan sa mga estado, kinatawan ng mga may-ari ng barko, at mga marino na pahusayin ang pagpapatupad ng Maritime Labor Convention upang matiyak ang ligtas at disenteng kondisyon sa pamumuhay at pagtatrabaho para sa lahat ng mga marino.

Kabilang rito ang paggalang sa karapatan ng mga Marino na magpasya kung maglayag sa high-risk areas at alisin ang lahat ng uri ng sapilitang paggawa o sapilitang paggawa sa shipping industry.

Ang inisyatiba, aniya, ay naging posible sa pamamagitan ng pagsisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Philippine Mission sa Geneva.

Pinasalamatan din ang 28 mga bansa na co-sponsor ng kauna-unahang UN-HRC resolution sa karapatan ng mga Marino.

Noong Biyernes, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang pagpapatibay ng UN-HRC resolution na may titulong “Promoting and Protecting the Enjoyment of Human Rights by Seafarers” ay kinikilala ba matapang sa mapanghamonh kondisyon sa dagat ang mga Marino na nagdudulot ng mga panganib sa kanilang mga karapatang pantao, kaligtasan, at kagalingan.

Sinabi ni Manalo na ang resolusyon ay nagpapatunay na ang ligtas at disenteng pamumuhay at kondisyon sa pagtatrabaho sa dagat ay isang “human rights imperative.” (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here