Home METRO 4 timbog sa alok na abortion service online

4 timbog sa alok na abortion service online

112
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga ahente ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP-ACG) ang apat na katao dahil sa pag-advertise sa social media ng pagpapalaglag.

Sinabi ni PNP-ACG director Brig. Gen. Ronnie Cariaga na nag-ugat ang operasyon sa cyber-patrolling kung saan ang mga tauhan ng unit ay nakatagpo ng mga anunsiyo para sa aborsyon sa kanilang tanggapan sa Caloocan City at Manila.

“Nakapag-ayos ang aming mga tauhan ng appointment para sa mga serbisyo ng pagpapalaglag bilang bahagi ng aming operasyon. Noon naaresto ang apat na suspek,” ani Cariaga, at idinagdag na ang mga operasyon ay isinagawa sa Caloocan City at Maynila noong Hulyo 10.

Ang mga suspek, ayon kay Cariaga, ay humihingi ng P10,000 para sa abortion services.

Aniya, nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Article 256 (Intentional Abortion) ng Revised Penal Code, Section 10 ng RA 4224 (The Hospital Licensure Act), RA 2382 (The Medical Act of 1959), Section 30 ng RA 10918 (Batas sa Parmasya), lahat ay may kaugnayan sa Seksyon 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Pagkatapos ay pinaalalahanan ni Cariaga ang publiko na ang aborsyon ay labag sa batas sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here