Home NATIONWIDE 9 patay sa ‘terrorist attack’ sa mosque sa Oman

9 patay sa ‘terrorist attack’ sa mosque sa Oman

Siyam na tao ang nasawi, kabilang ang tatlong umatake, at higit sa dalawang dosenang iba pa ang nasugatan sa pag-atake sa isang Shi’ite Muslim mosque sa Oman nitong Lunes.

Kinilala ang mga nasawi na apat na Pakistani, isang Indian at isang pulis ang kabilang sa mga napatay sa pamamaril, ayon sa mga opisyal ng mga nasabing bansa.

Sinabi naman ng pulisya ng Oman na 28 katao ng iba’t ibang nasyonalidad ang nasugatan, kabilang ang mga miyembro ng security forces.

Ang isang video sa social media na na-verify ng Reuters ay nagpakita ng mga taong tumatakbo palayo sa mosque habang maririnig ang putok ng baril.

Hindi sinabi ng pulisya kung natukoy na nila ang motibo sa pag-atake o kung gumawa sila ng anumang pag-aresto. Ang pagkakakilanlan ng mga umaatake ay hindi pa rin inilabas.

Sinabi ng foreign ministry ng Pakistan na naganap ang pag-atake sa Ali bin Abi Talib mosque. Sinabi ng isang lokal na source na kilala rin ito bilang Imam Ali mosque, isang Shi’ite na lugar ng pagsamba sa Ibadi-rued Oman, na may maliit ngunit maimpluwensyang Shi’ite minority.

Inilarawan ang insidente sa distrito ng Wadi al-Kabir ng kabisera ng Oman na Muscat bilang isang “terrorist attack”.

Ang pag-atake ay nangyari habang ang mga Shi’ite Muslim ay ipinagdiriwang ang Ashura, isang taunang panahon ng pagluluksa upang gunitain ang ika-7 siglong pagkamatay ni Hussein, isang apo ng Propeta Mohammad. RNT