THAILAND – Natagpuang patay ang anim na foreign nationals sa loob ng isang luxury hotel room sa Bangkok, Thailand nitong Martes, Hulyo 16.
“There were no signs of a struggle,” sinabi ni Thailand Prime Minister Srettha Thavisin, kasabay ng hinala ng mga pulis na ang mga dayuhan ay namatay matapos malason.
“We need to conduct an autopsy to see if they had ingested anything,” aniya, sa isang press conference sa Grand Hyatt Erawan hotel sa Pathum Wan district, kung saan nangyari ang insidente.
Pinawi naman ng mga awtoridad ang haka-haka na posibleng inakawan o binarily ang mga dayuhan.
Ayon sa prime minister ng Thailand, lahat ng anim na nasawi ay mga Vietnamese. Dalawa rito ang may dual citizenship.
Iniulat ang kaso bandang 4:30 ng hapon matapos madiskubre ng cleaning staff ang mga katawan.
Agad na nagtungo sa lugar si Srettha nang mabalitaan ang kaso. Aniya, pinaniniwalaang sangkot sa insidente ang ikapitong Vietnamese national.
Sa preliminary examination, walang nakitang ebidensya ng panlalaban o pagnanakaw kung kaya’t posibleng nakakain ng nakalalason ang mga biktima.
“We need to find out the motives,” aniya. Hindi rin suicide ang nakikitang dahilan ng pagkamatay ng mga ito kundi pagpatay.