MANILA, Philippines – Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate health committee, ang matagumpay na inagurasyon ng ika-166 Malasakit Center na matatagpuan sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City, Kalinga noong Martes.
Ideya ni Go na pagsama-samahin sa programang Malasakit Centers ang tulong medikal mula sa mga ahensya ng gobyerno—ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office—sa isang lokasyon sa loob ng mga kwalipikadong pampublikong ospital.
“Isang magandang balita ang hatid natin ngayon dahil 166 na ang Malasakit Centers na naitayo sa buong Pilipinas…ang pinakabagong Malasakit Center ay nasa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City,” anunsyo ni Go.







