Home HOME BANNER STORY Luzon grid isinailalim sa yellow alert

Luzon grid isinailalim sa yellow alert

MANILA, Philippines – Inilagay sa yellow alert ang Luzon power grid ngayong hapon ng Miyerkules, Hulyo 17, hanggang mamayang gabi dahil sa forced outage ng planta na nagresulta sa manipis na suplay ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang yellow alert ay ipinatupad alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Ang yellow alert ay indikasyon na ang operating margin ay kulang para tugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Ang available capacity ng Luzon grid ay nasa 13,198 megawatts (MW) laban sa expected peak demand na 12,028 MW.

Tinukoy ng NGCP na ang pag-trip ng San Gabriel power plant, na may 417.4-MW capacity, ay dahilan sa pagtataas ng yellow alert.

Nasa normal na kondisyon naman ang Visayas at Mindanao grids. RNT/JGC