Home ENTERTAINMENT Ellen at Derek, nambasag na naman ng basher!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ellen at Derek, nambasag na naman ng basher!July 17, 2024 15:03 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Maging ang kanyang mga magulang ay tiyak na nasambit ang mga katagang “How time flies!”Parang kailan nga lang nang baby pa si Elias (who his mother still calls “Baby”), anak ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.Heto’t napakabilis talaga ng panahon: Elias turned 6 last June 27!Pero wala si JLC sa selebrasyon ng kaarawan ng anak na idinaos sa Miyasaki Restaurant sa Muntinlupa City.Present were Ellen and Derek Ramsay.Bumuhos naman ng mga pagbati sa ikaanim na birthday ng bagets.As expected, may naligaw na namang comment na obyus na ang layunin ay mam-bad trip.Ayon sa netizen believed to be male: “His father needs to procure a decent haircut.”Ang tanong: palalampasin ba ‘yon ni Ellen knowing her?Tugon ng inactive actress: “Manong, do I need to remind you that minding your own business is important? You don’t feed us!”Hindi ‘yon ang kauna-unahang pagkakataong sinupalpal ni Ellen ang ilang taong mahilig mangialam sa kanilang buhay.Just this June 17, sa moving-up ceremony ni Elias ay may netizen ang nagtanong kung bakit hindi present si John Lloyd.Parang gusto kasing palabasin ng netizen na “iresponsableng ama” ang aktor.Ellen was quick, however, to take the cudgels for Elias’ dad.Aniya, hindi porke wala ang aktor sa picture na naka-post sa social media, hindi ibig sabihin nito’y absent siya sa okasyon.Short of saying that John Lloyd–for everybody’s information–is not the type of a father who shirks on his responsibility.As for the other netizen picking on JLC’s need for a decent haircut, mismong si Derek na ang sumagot on the actor’s behalf.Ani Derek: “I think you just used the word ‘procure’ to sound smart!”Sina Ellen at Derek pa ba naman ang gagamitan nila ng Ingles? Ronnie Carrasco III