MANILA, Philippines – Asahan na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na lingo.
Sa oil trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero na “mixed movements in the prices of petroleum products will be experienced next week, Tuesday.”
Posibleng walang paggalaw sa presyo ng gasolina o kaya naman ay P0.20 kada litro na dagdag sa presyo nito.
Samantala, posibleng magkaroon ng tapyas na P0.30 hanggang P0.60 sa presyo sa kada litro ng diesel.
Posible ring bumaba ng P0.60 hanggang P0.70 ang presyo sa kada litro ng kerosene.
Karaniwang inaanunsyo ng oil companies ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad tuwing Martes. RNT/JGC