Home NATIONWIDE NoKor, Russia nagpulong sa military cooperation

NoKor, Russia nagpulong sa military cooperation

131
0

NORTH KOREA – Nagpulong sina North Korean leader Kim Jong Un at Russian vice minister of defence Aleksey Krivoruchko para pag-usapan ang kahalagahan ng pagkakaisa ng militaries ng dalawang bansa para depensahan ang kapayapaan at hustisya ng mundo.

Ayon sa ulat ng KCNA nitong Biyernes, Hulyo 19, nagpalitan ng mga dahilan at pangangailangan para sa military cooperation ang dalawang bansa para depensahan ang kanilang mutual security interests.

Nagpaabot naman ng pagbati si Krivoruchko kay Kim Jong Un mula kay Russian President Vladimir Putin na nagpapasalamat sa naging pagpupulong.

Hindi na nagbigay pa ng mas maraming detalye ang KCNA sa delegasyon ni Krivoruchko at ang dahilan ng pagbisita nito sa North Korea. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here