Home METRO Babae tiklo sa P10.2M shabu sa Cebu

Babae tiklo sa P10.2M shabu sa Cebu

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa isang babae na itinuturing din na high-value individual (HVI), sa drug bust na ikinasa sa Brgy. Bulacao, Talisay City, Cebu nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 19.

Nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad bandang 12:48 ng umaga nitong Biyernes.

Kinilala ang suspek na 22-anyos na babaeng si alyas “Kulot.”

Si Kulot ay walang trabaho at residente ng Sitio Hawud, Barangay Bulacao, Talisay City.

Nakuha ng mga awtoridad ang 1,500 gramo ng shabu na may estimated value na P10,200,000 mula sa suspek.

Nakumpiska rin ang cellphone na pinaniniwalaang ginagamit ara sa drug transactions.

Ipapasa ang nakumpiskang drug evidence sa Cebu Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Kulot at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC