Home NATIONWIDE Desisyon ni VP Sara na ‘wag tumanggap ng posisyon sa gabinete, iginagalang...

Desisyon ni VP Sara na ‘wag tumanggap ng posisyon sa gabinete, iginagalang ni PBBM

126
0

MANILA, Philippines – GINAGALANG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang desisyon ni Vice President Sara Duterte na wala na itong plano pang tumanggap ng ibang posisyon sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos siyang magbitiw bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).

“That’s her decision,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, araw ng Biyernes sa sidelines ng pamamahagi ng financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Apayao.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos hingan ng reaksyon sa naging pahayag ni Duterte na hindi na siya tatanggap ng anumang Cabinet post sa administrasyong Marcos.

Nauna rito, “No,” kasi ang naging tugon ni Duterte nang matanong kung may kinalaman ang Unang Ginang sa kanyang pagbibitiw.

“Wala rin naman kinalaman si First Lady sa trabaho namin ni President Marcos,” aniya pa.

Binigyang-diin din niya na nagbitiw siya sa DepEd dahil sa mga personal na kadahilanan.

Dagdag pa niya, “Hindi na ako magse-serve in another cabinet post sa Marcos administration.”

Sa ngayon aniya ay nais din niyang magpokus na lamang muna sa kanyang trabaho bilang bise presidente.

Una naman nang tiniyak ni Duterte na maayos ang relasyon nila ni Marcos. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here