Home METRO 2 dedo sa pamamaril sa kainan sa Cagayan

2 dedo sa pamamaril sa kainan sa Cagayan

MANILA, Philippines – Dalawa ang patay habang dalawa iba pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa isang kainan sa Brgy. Tanza, Tuguegarao City nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 18.

Sa ulat, sinabi ni PCAPT Rose Marie Taguiam, tagapagsalita ng Tuguegarao Component City Police Station, na nangyari ang pamamaril sa bagong bukas na kainan kung saan nagtungo ang apat na biktima at ang dalawang suspek.

Batay sa imbestigasyon, nakainom na ang dalawang grupo at bigla na lamang nagkainitan at nagtalo hanggang sa naglabas na ng mga baril ang mga suspek saka pinagbabaril ang mga biktima.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit dalawa rito ang idineklarang dead on arrival.

Ang dalawang nasawi ay isang 58-anyos at 48-anyos na lalaki na residente ng Brgy. Centro, PeƱablanca, Cagayan.

Habang nasa ospital at patuloy na inoobserbahan ang dalawang sugatang biktima.

Agad namang nakatakas ang dalawang suspek sakay ng Toyota Vios ngunit agad na natukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito dahil sa nakuhang CCTV footage ng pulisya.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC