Home METRO Higit 400 pamilya inilikas sa matinding baha sa Bantayan Island

Higit 400 pamilya inilikas sa matinding baha sa Bantayan Island

237
0

MANILA, Philippines – Inilikas sa kani-kanilang tirahan ang nasa 400 pamilya sa Bantayan Island dahil sa pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan.

Ayon sa ilang mga residente, magdamagan ang walang tigil na pag-ulan.

Nalubog sa tubig baha ang lahat ng tatlong bayan ng Bantayan Island, ngunit pinaka-apektado ang mga barangay ng Kampingganon, Guiwanon at Kabangbang.

Matatandaan na nag-isyu ang PAGASA Visayas ng red rainfall advisory para sa Northern Cebu dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalakas ng low pressure area. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here