Home NATIONWIDE PCG retirees, umaaray sa kanilang pensyon; nagpapasaklolo kay PBBM

PCG retirees, umaaray sa kanilang pensyon; nagpapasaklolo kay PBBM

96
0

MANILA, Philippines – Nagpasaklolo na sa administrasyong Marcos ang samahan ng mga retiradong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na bigyang pansin na masolusyunan ang kanilang mga hinaing.

Giit ng mga PCG retiree, matagal na silang nananawagan ngunit hanggang ngayon ay walang tumutulong sa kanila.

Hinaing ng PCG retirees, ilang taon na lang ang natitira sa kanilang buhay kaya naman dapat lang na huwag ng kaltasan ang kanilang pension.

Ayon pa sa kanila, simula Abril 2010 hanggang ngayon ay nagkaroon ng automatic deduction ng kanlang pension at rank demotion simula Hunyo 2017 nagsimula ang pagbawas.

Hinaing pa nila ang biglang pagbawas sa kanilang pension na walang proper dissemination at konsultasyon.

Giit ng mga PCG Retirees, pitong taon na silang nagtitiis sa nasabing kaltas sa kanilang monthly pension.

Karamihan sa kanila ay kinakaltasan ng halagang P8,000 – P12,000.00 kung saan malaking bagay na daw ito para pandagdag sa kanilang gastusin at pang-gamot.

Paliwanag ni Josefina Romero, representative at asawa ng isa sa mga retiree, panahon ng Duterte Adminiatration ng ipatupad ang Section 18 ng RA 9993 kung saan obligado silang kaltasan sa kanilang pensyon.

Paliwanag nila, taliwas ito sa inilabas na Executice Order No. 475 at 477 na nilagdaan ni dating pangulong Fidel Ramos kung saan nakasaad na walang mabanago at walang mababawas sa pensyon na kanilang tinatanggap.

Ayon pa sa mga PCG retirees, inakyat na rin nila ang kaso sa Korte suprema ngunit nadismis noong July 20,2024 pero hindi pa final and executory dahil naghain pa sila ng motion for consideration.

Ang tanging huling pag-asa naming ay mag-apela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,at hihingi ng hustisya.

Umaasa rin sila na matutulungan sila ng kasalukuyang administrasyon na maresolba ang sinapit na illegal at uncostituional reduction at demotion.

Napag-alaman na karamihan na sa mga retirees ay mga may kapansanan na at mayroon nang maintenance bukod pa sa maliit na ang natitirang pension na hindi sapat sa kanilang pang-araw araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here