Home ENTERTAINMENT Priscilla, makikipagkita sa abogado, idi-divorce na si John?

Priscilla, makikipagkita sa abogado, idi-divorce na si John?

Manila, Philippines – Nangangamoy divorce ang malamang na natuloy nang pakikipagkita ni Priscilla Mereilles sa kanyang lady lawyer.

Kamakailan nga’y kinarat ni Miss Earth 2004 ang nag-iisang anak nila ni John Estrada pa-Manaus, Brazil.

Sabay ito namg pagpost ni John na nasa Boracay na may kasamang ibang babae.

Sa comment section sa Instagram mababasa ang reaksyon ni Priscilla na naka-tag pa sa babae.

May kuha rin siya sa Brazil-bound airplane.

Namg araw na ‘yon ay hindi malinaw ang pakay ng biyahe ng mag-ina.

Pero sinundan ‘yon ng post ni Priscilla na: “I’ve had enough!”

Halos kasabay rin ‘yon ng pag-amin mismo ni John na “hiwalay” na sila ni Priscilla.

Mutual decision daw ‘yon.

Ang latest, Priscilla was supposed to meet up with her lawyer.

Na-reschedule lang ito dahil nanganak.

Hardly did Priscilla drop a hint why she was seeing her lawyer.

Pero ipinapalagay ng mga netizens na may kaugnayan ‘yon sa planong pagdiborsyo ni Priscilla kay John.

Sariwa pa kasi ang tila pahimakas ng dating beauty queen describing John while in Boracay: “Looking divorced Mr. Estrada.” Ronnie Carrasco III