Home ENTERTAINMENT Pokwang, may bagong pasabog vs Lee!

Pokwang, may bagong pasabog vs Lee!

167
0

Manila, Philippines – Bagong pasabog pero luma nang insidente.

Ito ang latest na rebelasyon ni Pokwang sa vlog interview ni Ogie Diaz.

Hinding-hindi raw malilimutan ng TV host-comedienne noong ikaanim na buwan niyang ipinagbubuntis si Malia.

She was 45 years old then.

Nabisto pala niya na halos araw-araw ay nila-like ng kinakasama niyang si Lee O’Brian sa social media ang isang nakahubad na babae mula sa Aklan.

Palibhasa pina-follow nila ni Lee ang isa’t isa kung kaya’t alam niyang nila-like nito ang babae.

Doon na raw nagalit si Lee kay Pokwang.

Dahil buntis, antukin daw ang komedyana who’d take afternoon naps.

Habang natutulog, naloka na lang daw si Pokwang nang buhusan siya ni Lee ng tubig, pinagmumura’t dinuru-duro pa.

Ang nakakatawa, sa halip na si Lee ang lumayas sa bahay ay si Pokwang who checked in at a nearby hotel where she stayed for three days.

Dahil maselan daw ang kanyang pagbubuntis noon, ayon sa kanyang doktor ay muntik na siyang magkaroon ng miscarriage.

Ito ngayon ang reklamong balak isampa ni Pokwang laban kay Lee sa tanggapan ng VAWC o dumudulog sa mga paglabag sa karapatan ng mga kababaihan at bata.

Pero ang tanong namin: bakit ngayon lang ito isiniwalat ni Pokwang, hindi noong panahong narito pa si Lee sa bansa?

Hay naku, this Pokwang talaga, she would never stop! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here