Home ENTERTAINMENT Xyriel, to-the-rescue sa jowa, kakasuhan ang netizen?

Xyriel, to-the-rescue sa jowa, kakasuhan ang netizen?

171
0

Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram stories, umalma si Xyriel Manabat sa diumano’y harassment ng isang netizen sa kanyang boyfriend.

Aniya, inakusahan daw ng nasabing netizen ang kanyang dyowa ng mga kasinungalingan.

“Verbally harassed my boyfriend. Accused my boyfriend for something he is not,” sey ni Xyriel.

Sey pa niya, ipinost din umano nito ang litrato ng pangalan ng boyfie nang walang pahintulot.

“He spread accusations and hate comments on comment sections and other platforms,” pagbabahagi pa ng aktres.

“Posted my boyfriend’s account, picture, name, and messages without permission,” dugtong niya.

Hindi naman malinaw kung paano at saan nangyari ang nabanggit na harassment.

Hindi rin siya nag-elaborate tungkol sa detalye ng naganap na insidente.

Hirit pa ng “High Street” star, dapat daw na humingi ng public apology ang nabanggit na netizen sa ‘damage’ na nagawa nito sa kanyang nobyo.

“The public humiliation that you have caused deserves a public apology!”giit niya.

Sa katapusan naman ng kanyang post, sinabi niya na hindi niya kukunsintihin ang ganoong uri ng ‘harassment’ ng sinuman lalo’t nalalagay sa alanganin ang repustasyon ng kanyang minamahal.

“I will never tolerate and let someone treat my boyfriend or any of my loved ones this way,” pagtatapos niya.

Pinangalanan din niya ang naturang netizen at tinag pa ito para ipamukhang seryoso ang pagkaimbudo niya sa ginawa nito.

Nakakuha naman ng sympathizers ang aktres sa kanyang followers na kinukundena rin ang ganoong klase ng pang-aabuso sa social media.

May mga nag-udyok pa sa kanya na maghain ng reklamo ng cyber bullying sa tinag niyang netizen na ayon sa kibitzers ay posible niyang gawin. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here