Home METRO Rape, robbery suspect timbog sa Parañaque

Rape, robbery suspect timbog sa Parañaque

123
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Southern Police District-District Special Operations Unit (SPD-DSOU) ang isang call center agent sa ikinasang entrapment operation Biyernes ng madaling araw, Hulyo 19.

Sa report na natanggap ni SPD director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosette ay kinilala ang nadakip na suspect na si alyas Edward, 25.

Ayon kay Rosete, naganap ang pagdakip kay alyas Edward dakong 1:30 ng madaling araw sa Annex 35, Parañaque City bunsod ng reklamo na inihain kay Secretary of Interior Local Government (DILG) Benjamin “Benhur” Abalos ng 19-taong-gulang na estudyanteng babaeng biktima.

Napag-alaman sa biktima na nireyp Sta ng suspect at nanghihingi ng malaking halaga ng pera kapalit ng hindi pagpost ng kanyang mga sensitibong litrato online.

Makaraang makuha ang impormasyon ay agad na nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng DSOU na nagresulta ng pagkakaaresto ng suspect.

Kasalukuyang nakapiit sa DSOU custodial facility ang suspect na nahaharap sa mga kasong rape, robbery extortion at disobedience to a person in authority sa Parañaque City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here