Home NATIONWIDE Police official na mastermind sa Korean slay case hinatulan ng CA

Police official na mastermind sa Korean slay case hinatulan ng CA

103
0

MANILA, Philippines – Binaligtad ng Court of Appeals ang desisyon ng Angeles City RTC na nagpawalang sala kay PSupt. Rafel P. Dumlao III na mastermind sa pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Sa desisyon na iniakda ni Associate Justice Carlito Calpatura, kinatigan ng Court of Appeals’ Thirteenth Division ang petition for
certiorari ng prosekusyon na humiling na mabaligtad ang desisyon ng Angeles City RTC Branch 60 na nag-abswelto kay Dumlao.

Si Dumlao kasama sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas, Jerry Omlang at Gerardo Santiago ay kinasuhan ng kidnapping with homicide sa pagkamatay ni Jee.

Si Jee ay sapilitan na kinuha sa kanyang bahay sa Angeles City noong October 18, 2016 at dinala sa PNP headquarters aa Camp Crame kung saan ito napatay.

Dinala ang mga labi ni Jee sa punenarya kung saan ito krinemate at saka itinapon ang kanyang abo sa inidoro.

Kahit patay na, humingi pa rin ng ransom sa asawa ang mga akusado.

Sinabi ng Court of Appeals na nakagawa ang mababang korte ng grave abuse of discretion at hindi tamang pagpapasya.

Tinawag ng CA ang pagdinig ng korte na isang pagkukunwari at insulto sa judicial process.

“The proceedings before the RTC were a sham and an apparent mockery of the judicial process such that Dumlao’s acquittal was a foregone conclusion and in total disregard of the evidence.”

Si Dumlao ay hinatulan ng CA na parusang reclusion perpetua at hindi eligible sa parole.

Inatasan din si Dumlao na magbayad ng P350,000 bilang danyos sa kidnapping with homicide at P225,000 bilang danyos sa kasong kidnapping and serious illegal detention.

Dagdag na 30 hanggang 35 years naman ang kulong sa kasong carnapping. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here