Los Angeles, USA – What love can do nga naman sa buhay ng tao, oo.
Ito ang tila nagkakaisang realization ng lahat ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kalagayan ni Kris Aquino.
Kamakallan nga, sa vlog interview sa kanya ni Ogie Diaz sa US ay inamin mismo ni Kris na may bagong nagpapatibok ng kanyang puso.
Officially split na sila ni Batangas Vice Governor Marc Leviste.
Kris’ new flame–na ‘di niya pinangalanan–happens to be a doctor who resides in Makati City.
Nauna munang ibinisto ito ng anak na si Bimby na sumalang sa simula ng panayam ni Ogie.
Ipinapalagay ng mga netizens na habang nasa bansa ngayon si Bimby para asikasuhin ang kanyang mga school requirements ay siya namang pagbabantay roon ng nobyo kay Kris.
Patunay raw ang nag-improve nang aura ni Kris batay sa larawang lumabas sa X (dating Twitter).
Kuha ang litratong ‘yon habang nagbi-video call sila ni Bimby.
Ang una kasing nakatawag ng pansin ng mga netizens ay ang pag-umbok ng mga pisngi ni Kris na dating humpak.
“Medyo chubby cheeks na si Kris, sana tuluy-tuloy na!” comment ng isang netizen na masayang may magandang pagbabago sa hitsura ni Kris.
Sabay-sabay ring sinabi ng mga netizens na malaki talaga ang nagagawa ng pag-ibig para umayos ang kundisyon ni Kris.
Excited ang mga netizens kung kailan ipakikilala ni Kris sa publiko ang kanyang doctor-boyfriend.
Aminado si Kris na confident daw siya na aalagaan siya nito as she struggles with her autoimmune disease.
Asahan din daw ang kanyang pag-uwi sa bansa sa darating na September after her two-year stay in the US. Ronnie Carrasco III