Home METRO 133 residente ng Tondo ginawaran ng titulo ng lupa

133 residente ng Tondo ginawaran ng titulo ng lupa

148
0

MANILA, Philippines- Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo-Nieto ang pamamahagi ng certificates of lot award sa kabuuang 133 residente mula sa dalawang barangay sa Lungsod ng Maynila.

Ang simpleng seremonya ng pamamahagi ng lupa ay ginanap nitong Biyernes sa Pamana Covered Court at M. Guizon Basketball Court sa kahabaan ng Maria Guizon St. sa Tondo kung saan nakatanggap ng sertipiko ang mga residente na mula sa Barangay 210 at Barangay 152.

“Iba pa rin ang may sariling lupa. ‘Yan ang pangarap ng bawat isa, ‘yan din ang pangarap naming para sa inyo,” ani Lacuna.

Ang paggawad ay pinangunahan ng Manila Urban Settlements Office (MUSO) na dinaluhan ni Manila 2nd District Congressman Rolan Valeriano gayundin ng ilang konsehal at opisyal ng lungsod at barangay.

Samantala, pinasalamatan naman ni Lacuna ang binigay na suporta ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF) na inilunsad sa Bulwagang Villegas ng city hall noong Martes ng gabi.

“Limang dekada na ang paglulunsad ng Metro Manila Film Festival at ngayong taon nga ay ibinabalik ito dito sa Maynila para sa kanyang golden edition. Higit pang nabigyan ng kulay at sigla itong festival dahil sa aktibong pakikilahok at suporta ng ating First Lady, Atty. Liza Araneta-Marcos,” pahayag ni Lacuna.

Sa ginanap na paglulunsad, inanunsyo ng mga organizer ang unang limang opisyal na entry — And the Breadwinner Is, Green Bones, Strange Frequencies: Haunted Hospital, Himala, Isang Musikal, at The Kingdom. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here