Home METRO P4.6M shabu, marijuana nasamsam sa Cagayan, Bulacan at Zambales

P4.6M shabu, marijuana nasamsam sa Cagayan, Bulacan at Zambales

175
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang hinihinalang tulak matapos makuhanan ng P3.6 milyong halaga ng marijuana sa buy-bust operation sa Tuguegarao City, Cagayan nitong Sabado, Hulyo 20.

Ang 48-anyos na babaeng suspek ay isang high-value target, na nakuhanan ng 30 kilo ng dried marijuana leaves, dalawang cellphone at buy-bust money.

Isinagawa ang dalawang buwang surveillance bago ang pagkakaaresto ng suspek.

Samantala, nakumpiska rin ang P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu at marijuana sa buy-bust operations sa Bulacan at Zambales noong Hulyo 17 at 19.

Naaresto ng pitong hinihinalang tulak na sina Ganggang, 31; Ando, 51; Dolor, 20; Joel, 55; Henry, 44; Monique, 27, at JR, 21.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here