MAUGONG ang balitang si incumbent Malabon City Vice Mayor Bernard dela Cruz ay sasabak sa pagka-kongresista sa darating na May 2025 midterm elections.
Wala pa tayong kumpirmasyon tungkol dito pero kung sakali man, ito’y panibagong yugto sa animo’y ‘Journey to Timbuktu’ na buhay pulitika ni dela C00ruz na lalong kilala sa tawag na ‘Ninong’.
Ang ‘Timbuktu’ ay ekspresyong karaniwang tumutukoy sa isang malayong pook, kadalasang ginagamit na talinghaga upang magpahiwatig ng lugar na mahirap puntahan.
Mula sa pangarap na maging lingkod bayan, malayo na nga ang narating ni Ninong na two-term councilor at binubuno kasalukuyan ang pangalawang termino bilang bise alkalde ng lungsod.
Wala ako masyadong alam kung paano nagsimula sa larangan ng pulitika pero ang kuwento, si Ninong daw ay may ginintuang puso na laging handang tumulong sa mga lumalapit na nangangailangan.
Para maging lubos na ang kinahiligang tumulong, kinulit ito ng mga kakilala’t kaibigan kaya napilitang tumakbo sa pagka-konsehal ng lungsod noong 2004 nguni’t minalas na pang-siyam lamang.
Muling tumakbo noong 2007 subali’t ‘di rin sinuwerte sa 7th slot na nakuha para masama sa ‘magic six’ na dapat maging miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Kung iba lang marahil ay baka nag-quit na pero dahil sa angking ‘fighting spirit’ ay muling sumabak noong 2010 pero ‘olats’ pa rin.
Sa sumunod na 2013 election ay nag-number 4 at noong 2016 ay topnotcher sa councilor race. Taong 2019 at 2022 elections ay ibinotong bise alkalde ng lungsod ng mga mamamayang nagmamahal na sa kanya.
Tatlong sunod na natalo sa election (2004, 2007 at 2010) pero niratsada naman ang panalo sa sunod-sunod na apat na election 2013, 2016, 2019 at 2022).
Mahirap ang mga dinaanan bago napagtagumpayan ni Ninong ang titulong Councilor at Vice Mayor kaya kung papasukin ang kongreso, ito’y another ‘trek to Timbuktu’ na dapat niyang paghandaan.
Matagal na rin naman akong tagasubaybay sa takbo ng pulitika at ang obserbasyon natin baka iadya ng kapalaran ay masungkit ni Ninong ang lone congressional seat ng Malabon.






