MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang 32 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait.
Kabilang sa pinakahuling batch ng mga repatriate ay tatlong menor de edad at isang sanggol. Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ang repatriation ay pinangunahan ng Overseas Workers Welfare Administration’s Migrant Workers Office (OWWA-MWO) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy.
Malugod na tinanggap ng mga kinatawan ng OWWA ang mga OFW sa paliparan upang tulungan sila sa mga proseso ng customs at immigration.
Ang mga OFW ay nabigyan ng food assistance, hotel accommodation, at transportasyon sa kani-kanilang probinsya. Makakatanggap din sila ng tulong pinansyal, ayon sa OWWA. RNT