MANILA, Philippines- Naantala ang ilang flights at operasyon sa ilang paliparan ngayong Miyerkules, dahil sa malakas na pag-ulang dulot ni Bagyong Carina, base sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines(CAAP).
Narito ang sitwasyon sa paliparan na pinangangasiwaan ng CAAP:
Basco Airport- suspendido ang flight operations
San Jose Airport- nakansela ang nag-iisang scheduled ngayong araw; inasistihan ng mga tauhan ng CAAP ang 78 apektadong pasahero sa Passenger Terminal Building para sa posibleng rebooking o refunds ng kanilang flights sa Cebgo counter
Iba Airport- suspendido ang GenAv training flights
Sangley Airport- suspendido ang aerodrome operations dahil sa pagbaha sa runway at apron
Tacloban Airport- isang kanseladong flight noong Martes art apat na delayed flights ngayong Miyerkules
Lubang Airport- walang GenAv operations
Palanan Airport- nagbalik na ang operasyon; mayroong isang flight sa kasalukuyan (Palanan-Cauayan)
Laoag Intl Airport- nakararanas ng light to moderate at madilim na kalangitan na may light to moderate wind; suspendido ang VFR operations
Vigan Airport- nakararanas ng light rain at moderate to strong wind; suspendido ang operasyon
Cauayan Airport- suspendido ang dalawang flights; nagpatuloy na ang commercial flights sa coastal areas
Tuguegarao Airport- apat na flights ang kanselado
Lingayen Airport- nakararanas ng light to moderate rains; binaha ang apron at ilang bahagi ng runway; suspendido ang operasyon
San Fernando Airport- nakararanas ng light to moderate rains; suspendido ang operasyon
Baguio Airport- nakararanas ng moderate rains at foggy weather; suspendido ang operasyo
Bicol International Airport- walang kanseladong flights
GenSan Airport- normal operations
Davao International Airport- normal flight operations; walang cancelled flights
Pagadian Airport- walang flight cancellations
Zamboanga International Airport- walang flight cancellations
Dipolog Airport- walang flight cancellations






