Home NATIONWIDE Tsina sa Pinas sa bagong resupply deal: ‘Keep your word’

Tsina sa Pinas sa bagong resupply deal: ‘Keep your word’

MANILA, Philippines- Hinikayat ng Tsina ang Pilipinas “not to backpedal” mula sa naging pahayag nito kaugnay sa nabuong bagong resupply mission arrangement.

Inakusahan kasi ng Pilipinas ang Tsina ng gumagawa ng “inaccurate” remarks ukol sa bagong resupply mission arrangement sa pagitan ng magkabilang panig.

Sinabi rin ng Tsina sa Pilipinas “not to create problems” at “not to do anything that would complicate the situation” dahil ang Manila aniya pa mismo ang nanggagambala sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon pamamagitan ng paggigiit sa soberanya sa West Philippine Sea (WPS).

“We take note that the Philippine side said it’s ready to implement the arrangement it reached with China.  We hope the Philippines will keep its word,” ayon kay Mao Ning, tagapagsalita para sa Foreign Ministry ng Tsina.

Nauna rito, binatikos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang “inaccurate remark” ng Tsina nang sabihin nitong ang pinakabagong kasunduan na nabuo sa pagitan ng Manila at Beijing kaugnay sa rotation at resupply missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Kinonsidera ng DFA ang naging pahayag ng Tsina bilang “prejudicial” matapos sabihin ng Tsina na unang nasabihan ang Pilipinas ukol sa iba’t ibang puntos at posisyon na pabor sa una, bago pa sumang-ayon ang Manila.

Kabilang sa mga puntos at posisyon ay “ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Tsina at nilabag ng Pilipinas ang soberanya ng Tsina. Dahil dito, magsasagawa lamang umano ang Pilipinas ng resupply missions kapag nag-advance notification sa Tsina at matapos ang onsite verification, hindi papayagan ang Pilipinas na magpadala ng construction materials para kumpunihin ang grounded ship.

“The principles and approaches laid out in the agreement were reached through a series of careful and meticulous consultations between both sides that paved the way for a convergence of ideas without compromising national positions,” ang sinabi ng DFA matapos ang naging pahayag ng Beijing.

“The spokesperson’s statement therefore regarding prior notification and onsite confirmation is inaccurate,” dagdag nito.

Subalit, nanindigan naman si Mao na naabot ng Tsina ang ‘provisional arrangement’ sa Pilipinas “based on the principled position of China on dealing with the current situation at Ren’ai Jiao (Ayungin Shoal).”

“This is an active effort China made to keep the situation under control. The Chinese side will continue to firmly defend China’s sovereignty and rights and interests,” dagdag na pahayag ni Mao. Kris Jose