MANILA, Philippines – Marami ang naghahambing sa naranasang malawakang pagbaha dulot ng napakalakas na pag-ulan sanhi ng Super Typhoon Carina at ng Southwest Monsoon (Habagat) sa Metro Manila nitong Miyerkoles, sa naranasang sakuna dulot ng Tropical Storm Ondoy noong Setyembre 2009.
Sa panayam sa isang ulat, sinabi ni PAGASA Assistant Weather Services chief Chris Perez na mas malakas pa rin ang pagtama ng Ondoy noong 2009.
Si Ondoy, na humagupit sa Central Luzon noong huling bahagi ng Setyembre 2009, ay nagbuhos ng mahigit 300 milimetro ng ulan sa loob ng anim na oras habang nasa 207 millimeters lang na ulan ang ibinuhos ng Habagat na pinalakas pa ng bagyong Carina.
Babala naman ni Perez na posibleng magpatuloy ang pag-uulan hanggang Biyernes, Hulyo 26.
“Dito sa Metro Manila possible na ngayon hanggang bukas, posible hanggang Friday, may mga pag ulan pa rin tayo. Posible lang mabawasan yung pag-ulan starting Saturday pa po,” aniya. RNT