MANILA, Philippines- Magkasamang binisita nina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco at mga konsehal ng lungsod ang Brgy. Tanza 1 at Tanza 2 kung saan ay mahigit sa 200 pamilya ang nasa Tanza National High School na nagsisilbing kanilang pansamantalang matutuluyan.
Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, lahat ng mga pumping stations ay patuloy ding gumagana. Subalit, dahil tuloy-tuloy ang buhos ng ulan at sira ang floodgate na humaharang sa tubig-dagat kapag high Tide, hindi rin nakakayanan ng mga pumping.
Gayunman, sinisikap ng pamahalaang lungsod na matugunan ang mga pangangailangan ng mga NavoteƱo na gawin ang lahat ng makakaya at manatiling ligtas ang bawat isa. Jojo Rabulan