Home NATIONWIDE 11 health facilities sa Luzon bahagyang napinsala sa masamang panahon – DOH

11 health facilities sa Luzon bahagyang napinsala sa masamang panahon – DOH

153
0
(c) Crismon Heramis/Remate File Photo

MANILA, Philippines- Bahagyang napinsala ang 11 healthcare facilities sa Luzon mula sa epekto ng bagyong Carina at Habagat, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isang press conference, sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na kabilang sa mga ospital na bahagyang gumagana ay ang San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Malabon City.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ilang health centers ang bahagyang nasira sa Ilocos Region at Central Luzon.

Samantala, “back to normal” ang mga operasyon sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) noong Huwebes matapos magsara ang mga outpatient department (OPD) at cancer institute clinics nito noong Miyerkules dahil sa malakas na ulan at pagbaha.

Sa ulat, tiyak ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na humupa na ang pagbaha sa paligid ng ospital.

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) noong Huwebes na hindi bababa sa 21 indibidwal ang naiulat na namatay sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon sa gitna ng epekto ng Habagat at Carina. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here