Home NATIONWIDE Alituntunin sa work suspension sa masamang lagay ng panahon inilatag ng DOLE

Alituntunin sa work suspension sa masamang lagay ng panahon inilatag ng DOLE

127
0

MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng alituntunin para sa mga empleyado at manggagawa ng pribadong sektor sa suspensyon ng trabaho dahil sa southwest monsoon at bagyong “Carina”.

Sa Labor Advisory No. 17-22, binanggit ng DOLE na nakasalalay sa private sector employers ang suspensyon ng trabaho upang gawing prayoridad ang kaligtasan at kalusugan ng mga empleyado tuwing may kalamidad.

Sinabi ng DOLE na karapat-dapat makatanggap ang mga empleyadong pumasok sa trabaho ng kanilang full regular pay, sa kondisyong nakapagtrabaho sila sa loob ng minimum na anim na oras.

Subalit, ang mga nagtrabaho sa loob ng wala pang anim na oras ay makatatanggap lamang ng bahagi ng kanilang regular pay, maliban na lamang kung may ibang polisiya ang kompanya na pabor sa empleyado.

Samantala, ang mga empleyadong hindi makapapasok sa trabaho ay hindi makatatanggap ng regular pay, maliban kung mayroong company policy, practice, o collective bargaining agreement na naggagawad ng sahod para sa mga ganitong araw o kung papayagan ang mga empleyadong gamitin ang kanilang leave credits.

Dagdag sa abiso, may opsyon ang mga empleyor na mag-alok ng karagdagang insentibo sa mga empleyado na pumapasok sa trabaho tuwing masama ang panahon, sa layuning ibsan ang kanilang hirap. 

Gayundin, binanggit na ang mga empleyadong piniling huwag magtrabaho dahil sa panganib mula sa masamang panahon o katulad na pangyayari ay hindi maaaring maharap sa anumang administrative sanctions.

Inisyu ang labor advisory alinsunod sa Article 5 of the Labor Code of the Philippines, as amended, at Republic Act 11058. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here