Home METRO State of calamity idineklara sa ilang lugar sa M’danao

State of calamity idineklara sa ilang lugar sa M’danao

161
0

MANILA, Philippines- Ilang lugar sa Mindanao ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pagbahang dulot ng masamang panahon kamakailan, partikular mula Hulyo 10 hanggang 12, 2024.

Kabilang sa mga nagdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng Kabacan at Pikit sa Cotabato at Barangays Nuing, Balangunan, Quiapo, Butuan, Molmol, at San Isidro sa Jose Abad Santos, Davao Occidental dahil sa masamang lagay ng panahon.

Hanggang 50 tahanan ang napinsala habang 202 pamilya ang apektado ng pagbaha at pagguho ng lupa.

“Majority of the damage po is on the agricultural areas. Bale po, that comprises mga 80 to 90% of the affected households. As of now, we have 202 households that were affected po due to the landslide and flood,” pahayag ni Ariel Acosta, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Nakansela rin ang ilang flights papunta at galing Mindanao dahil sa southwest monsoon na pinalakas ni bagyong Carina.

Sa Zamboanga City, ilang pasahero ang stranded sa Zamboanga International Airport noong Miyerkules, Hulyo 24, 2024.

“Pag ganito, in-a-assess naman natin sila dito sa airport tapos the airline concerned, binibigyan naman sila ng accommodation. Yung ibang mga pasahero, binibigyan naman nila ng free meals, yung iba, pinapasok nila ngayon dito sa amin for the rebooking of tickets,” ani CAAP Zamboanga City OIC Manager, Engr. Roderick Tugade.

Ilang flights naman sa Cagayan de Oro, Butuan, Zamboanga, General Santos, Davao, Dipolog, at Pagadian papunta at galing Manila ang nakansela rin, batay sa Manila International Airport Authority. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here