Home NATIONWIDE LPA nakaambang magpaulan sa ilang bahagi ng Pinas sa pagbubukas ng mga...

LPA nakaambang magpaulan sa ilang bahagi ng Pinas sa pagbubukas ng mga klase

167
0

MANILA, Philippines- Posibleng salubungin ng pag-ulang dulot ng low pressure area (LPA) ang unang araw ng klase sa Lunes sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa state weather bureau PAGASA nitong Biyernes.

“By Monday, expect po natin na itong eastern section naman po ng southern Luzon, Visayas, Mindanao or particular na sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region, inaasahan natin na makakaranas ng mga pag-ulan early next week dahil nga sa posibleng epekto ng LPA na ating mino-monitor,” pahayag ni PAGASA weather specialist Ana Clauren-Jorda sa isang panayam.

Anang opisyal, inaasahang lalapit ang LPA eastern section ng bansa sa mga susunod na araw. Maliit naman ang posibilidad na maging tropical cyclone ito, pahayag niya.

Dahil ang LPA ay nasa karagatan pa at maaaring lumakas, inihayag ni Clauren-Jorda na hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad ng pag-igting nito.

Base pa sa PAGASA, ang LPA ay may “low chance” na maging tropical cyclone isa susunod na 24 oras.

Samantala, nag-anunsyo na ang ilang paaralan ng pagpapaliban ng pagbubukas ng mga klase dahil sa pagbahang dulot ng epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at Tropical Cyclone Carina, ayon sa ulat.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na magpapalabas siya ng listahan ng mga paaralan ngayong Biyernes.

“Some schools will really have to postpone their openings kasi maraming aayusin at lilinisin. I’ll be issuing a list tomorrow kung saan postponed ang pasukan and the regional directors will also work with the principals to assess readiness for school opening,” sabi ng opisyal. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here