Home NATIONWIDE JV: P300B flood control projects, inanod sa palpak na plano

JV: P300B flood control projects, inanod sa palpak na plano

109
0

Matinding ikinadismaya ng ilang senador ang patchi-patchi plano sa flood control projects na umaabot sa P300 bilyon kada taon kaya hindi nalulutas ang problema ng pagbaha sa Kamaynilaan at karatig-lalawigan.

Sa magkahiwalay na pahayag, kapwa hiniling nina Senador JV Ejercito at Win Gatchalian na dapat totohanang magplano ang pamahalaan sa pagtatayo ng mas mahusay na flood control programs sa Metro Manila.

Ganito ang reaksiyon ni Ejercito sa paglubog ng malaking bahagi ng Kamaynilaan, Bulacan at Rizal sanhi ng pagbayo ng badyong Carina hatak ang Habagat nitong Miyekoles, ilang araw matapos ipagmalaki sa State of the Nation Address (SONA) ang natapos na 5,500 flood control projects.

Ayon kay Ejercito, hindi planado ang maayos ang flood control projects na ginagastusan ng bilyong pondo kada taon.

“It’s hard to stomach that there is a P300 billion budget for flood control each year and it seems that projects on flood control are not well planned and executed,” ayon kay Ejercito.

“‘Pag patuloy ang paggawa ng mga ‘flood control’ projects na patchi-patchi ay walang mangyayayari, nagtatapon lang tayo ng pera,” dagdag ng senador.

Idinagdag pa ni Ejercito na matagal na nitong isinusulong ang paglikha ng comprehensive masterplan for infrastructure development, bukod sa transportation modernization, kabilang ang “high-impact” flood mitigation and control projects.

“Ang kailangan ay mga high impact or big ticket flood control projects para magkaroon ng resulta hindi ang pinaghahatian ang pondo para lang masabi na may mga proyekto… Mega dikes and big water impounding infrastructures are what is needed,” paliwanag ni Ejercito.

Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Lunes sa SONA na umabot sa 5,500 flood control projects ang natapos ng administrasyon, at marami pang ibang nakahanay.

Ngunit, isang araw matapos ang SONA, binayo ng bagyong Carina at Habagat ang bansa na ikinalubog sa baha ng maraming lugar na halos lampas sa kani-kanilang tahanan tulad ng Marikina, Quezon City, Rizal at Bulacan.

Ibinahagi naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang mungkahi ng magkaroon ng bagong disenyo sa flood control projects na ikinokonsidera ang rapid urbanization at high population density ng Metro Manila.

“Drainage systems should be enlarged, waterways should be dredged and unimpeded and dam management should be seamlessly coordinated,” ani Gatchalian.

Binanggit ni Gatchalian ang kanyang obserbasyon sa Lungsod ng Valenzuela na lumabog ang malakiing bahagi ng lungsod at ilang lugar sa Kamaynilan sanhi ng tatlong pangyayari: massive rainfall, high tide, at overflowing of water mula sa dams at ilog,

Naunang kinastigo nina Senador Miguel Zubiri at Joel Villanueva ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbaha sanhi ng reclamation sa Manila Bay. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here