Home ENTERTAINMENT Kampo ni Nadine, dismayado sa GMA!

Kampo ni Nadine, dismayado sa GMA!

Manila, Philippines – Produkto ng artista search na Starstruck ng GMA si Nadine Samonte.

Kumbaga, hindi na iba ang aktres sa pinanggalingang network.

Nagtataka lang ang kampo ni Nadine kung paanong naitsa-puwera ito sa katatapos lang na GMA Gala.

Hindi mismo kay Nadine nanggaling ang reklamo kundi sa kanyang stylist.

Ayon kay Keith Manila sa kanyang post sa X (dating Twitter): “Treat your guests right!”

Partikular na ipinagsisintir ni Keith ay ang ipinadalang imbitasyon kay Nadine gayong wala naman daw pala ito sa listahan.

Mas pinaboran pa raw ang mga influencers: “So disappointing!”

Bilang respeto raw kay Nadine, “She deserved a seat at the table!”

Nakapanghihinayang daw dahil nag-effort daw ang aktres.

Audrey Hepburn lang naman ang peg niya, pagkatapos ay hindi pala siya papapasukin sa venue ng event?!

Buti na lang, Nadine managed to keep her cool.

Sa halip na magmaktol, nag-post siya ng larawan na nagkakape “which kept her company.”

Nilakipan niya ito ng caption na: “I’ll just drink my coffee and smile!”

Rason naman ng mga taga-GMA, sa dami daw ng mga guests ay posibleng na-overlook si Nadine.

Sorry, it’s such a flimsy excuse!

Dapat papanagutin ng GMA kung sinuman ang in charge sa imbitasyon.

‘Kakahiya! Ronnie Carrasco III