Pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis Tolention ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City kasunod ng pananalasa ng Bagyong Carina. Hinikayat niya ang mga taga-Marikina na magkaisa sa pagsisikap at pananampalataya para sa mabilis na pagbangon.
Pinuri ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang disaster responders at mga miyembro ng media na itinaya ang sariling buhay upang magligtas ng kapwa at ipaalam sa publiko 24/7 ang siutwaston habang sinasalanta ng tubig-baha ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa kasagsagan ng supertyphoon Carina at malakas Habagat.
Sinabi ni Tolentino na sa kabila ng mga panganib, ang mga first responder, rescue volunteers, at mga miyembro ng media ay hindi nag-atubili na pumunta sa mga lugar na lubog sa baha upang tumulong sa ating mga kababayang na-trap sa baha at magbahagi ng napapanahong impormasyon sa publiko.
“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagsusumikap, dedikasyon, at sakripisyo,” ayon sa senador.
Napansin ng senador na ang mga round-the-clock na ulat mula sa media ay nagbigay sa mamamayan at pampublikong opisyal ng impormasyon kung aling mga kalsada ang hindi na madaanan, at kung aling mga komunidad ang nangangailangan ng agarang tulong at rescue dahil sa matinding pagbaha.
“Reliable information is the first key to safety in times of disasters. When people are aware of what’s happening around them, they can prepare ahead and be ready to move to safer grounds when necessary. Since Tuesday, members of the media have been communicating timely updates from concerned agencies to our people, and also sending feedback to public officials like me through their live news reports from the ground,” ipinunto ni Tolentino.
Sinamantala rin ni Tolentino ang pagkakataong magpasalamat sa mga first responder, kinabibilangan ng mga unipormadong tauhan mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kinilala rin niya ang mga executive ng local government unit (LGU) at kani-kanilang disaster rescue teams at volunteers at ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
“The most difficult times bring out the best in us. It is the Bayanihan spirit that binds us and defines our distinct character as Filipinos,” anang senator na mayroon ding malawak na karanasan sa disaster risk reduction and management bilang dating chairman MMDA at alkalde ng Tagaytay. RNT