Home METRO Mag-ina sapul ng gumuhong pader, todas!

Mag-ina sapul ng gumuhong pader, todas!

130
0

MANILA, Philippines- Patay ang mag-ina nang maguhuan ito ng pader ng kanilang bahay sa kasagsagan ng pag-ulan sa Angeles, Pampanga.

Batay sa ulat nitong Biyernes, narekober umano ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang mga labi ng ina at anak nito mula sa tambak ng mga debris at lupa.

Matatagpuan ang tirahan ng mga biktima sa tabi ng Abacan River sa Barangay Pampang.

Ayon sa Angeles CDRRMO, ang walang humpay na ulan ang mitsa ng pagguho ng lupa nitong Huwebes sa kanilang tahanan.

Sugatan din ang padre de pamilya na kasalukuyang nasa ospital. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here