Home METRO Ambuklao, Binga dam gates nananatiling bukas ngayong Sabado, Hulyo 27

Ambuklao, Binga dam gates nananatiling bukas ngayong Sabado, Hulyo 27

MANILA, Philippines- Nananatiling bukas ang ilang gate ng Ambuklao at Binga dams sa Luzon ngayong Sabado ng umaga, Hulyo 27, base sa datos ng PAGASA.

Bukas ang isang gate sa Ambuklao Dam sa Bokod, Benguet sa 0.50 metro hanggang alas-8 ng umaga. Mas kaunti ito kumpara sa anim na bukas na floodgates noong Biyernes ng umaga.

Samantala, dalawang gate ng Binga Dam sa Itogon, Benguet ang bukas nitong Sabado ng umaga sa 1 metro. Anim na floodgates din ang bukas noong Biyernes ng umaga.

Ang reading naman ng lebel ng tubig sa Ambuklao Dam ay 751.03 metro nitong Sabado ng alas-8 ng umaga, malapit na sa 752-meter spilling level.

Samantala, ang Binga Dam ay mayroong 574.65 metro sa reservoir nito, bahagyang mas mababa sa 575-meter spilling level.

Narito ang water level sa iba pang mga dam hanggang alas-8 ng umaga nitong Sabado:

  • Angat Dam: 185.63 metro

  • Ipo Dam: 100.99 metro

  • La Mesa Dam: 79.71 metro

  • San Roque Dam: 243.55 metro

  • Pantabangan Dam: 182.79 metro

  • Magat Dam: 180.53 metro

  • Caliraya Dam: 286.70 metro

Nagdulot ang malakas na ulan mula sa bagyong Carina at habagat ng pagtaas ng lebel ng tubig sa mga dam at pagbaha sa ilang lugar.

Isinailalim ang Metro Manila sa state of calamity, maging ang Bataan, Bulacan, Batangas, Cavite, at Cainta, Rizal. RNT/SA