Home METRO Senglot na obrero todas sa tanod!

Senglot na obrero todas sa tanod!

132
0

BACOLOD CITY- Patay sa pamamaril ng barangay tanod ang isang 22-anyos na lasing na obrero sa Sitio Marcel, Barangay Cansalongon, Isabela, Negros Occidental nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Jason Carpio.

Sinabi ni Police Major Ellendie Rebusquillo, Isabela police chief, lasing umano ang biktima at naghahamon ng away sa kanyang mga kaanak.

Nagpatulong ang mga kaanak ni Carpio sa isang barangay tanod upang pakalmahin ito.

Rumesponde ang dalawang tanod subalit lalo umanong naging marahas ang biktima at tinangkang atakihin ang isa sa mga ito.

Dahil dito, bumunot ng baril ang isa sa kanila at binaril ang biktima sa dibdib. Agad na binawian ng buhay si Carpio.

Ani Rebusquillo, tumakas ang suspek dala ang baril.

Sinabi ng mga awtoridad na madalas mang-harass ng kanyang mga kaanak ang biktima tuwing nakakainom ito.

Ilang beses na umano itong ipinatawag sa barangay dahil sa asal niya subalit hindi umano ito nagpapakita.

Wika ni Rebusquill, hindi awtorisadong magdala ng baril ang mga tanod. Makikipag-ugnayan umano siya sa mga tanod sa bayan upang igiit ang batas sa pagbabawal na magdala ang mga ito ng nasabing armas.

Maghahain naman ng homicide charges laban sa suspek. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here