MANILA, Philippines- Nahulog ang isang sugatang Philippine eagle sa property ng isang residente sa Barangay Mabilo 2, Camarines Norte at agad na itinurn-over sa mga awtoridad.
Dinala ang agila sa Albay Park and Wildlife para gamutin. Nasa maayos na kalagayan na ito.
Hinikayat ng Camarines Norte Maritime Police Station (MARPSTA) ang mag residente na iulat ang anumang wildlife species sa kanilang pangangalaga sa Provincial Environmental and Natural Resources Office (PENRO) para maasistihan.
“Naipaabot rin po natin sa kanila yung kahalagahan na maibalik sa atin agad [ang mga wildlife],” pahayag ni PCPL Ma. Isabel Sarah Yabut, Police Community Relations (PCR) Police Non Commissioned Officer (PNCO) ng Camarines Norte MARPSTA.
“Kung may mga wildlife species po dyan na nasa pangangalaga pa po ninyo, maaring i-report na po agad para maibalik na po natin sila sa PENRO,” dagdag ni Yabut. RNT/SA