Home NATIONWIDE OVP nagbabala vs kumakalat na Google form link para sa relief ops

OVP nagbabala vs kumakalat na Google form link para sa relief ops

95
0

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Office of the Vice President sa publiko laban sa isang Google form link na umano’y ipinakakalat online para sa umano’y relief operations nito.

Iginiit ng OVP nitong Biyernes na hindi opisyal ang nasabing Google form link at hindi pagmamay-ari ng opisina.

Babala ng OVP sa publiko, huwag sagutan ang nasabing form dahil maaaring makompromiso ang kanilang personal information.

“Makipag-transaksyon lamang sa mga lehitimong opisina at empleyado ng OVP, o abangan ang mga opisyal na anunsyo galing mismo sa Tanggapan,” anito.

Noong Hulyo 24, naghanda ang OVP ng ilang relief packs para sa mga apektado ni bagyong Carina.

Base sa OVP, mayroon nang relief items para sa 6,700 pamilya na inihanda ng Disaster Operations Center (DOC) nito.

Ipamamahagi ito ng government responders sa mga lugar na apektado ng pinakabagong weather disturbance partikular sa National Capital Region (NCR) at Region 4-A. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here