Home ENTERTAINMENT Kim, tinawag na ‘pokpok’!

Kim, tinawag na ‘pokpok’!

231
0

Manila, Philippines – Hindi man pinangalanan ay obyus namang si Kim Domingo ang pinatutungkulan ng dating showbiz reporter-direktor na si Ronald Carballo bilang pumalit kay Ivana Alawi sa teleserye ng ABS-CBN.

Si Ivana ay gumanap bilang Bubbles sa Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa isang episode ng BQ ay ipinakilala na ang karakter ni Madonna played by Kim.

Si Kim ay dating taga-GMA.

Nagbahagi ng kanyang reaksyon si Carballo kaugnay ng partisipasyon ni Kim.

“Nagpasok ang teleserye ng ‘pokpok’ na ham actress na isinuka ng GMA,” paglalarawan ni Carballo kay Kim.

Sa pag-entra ng aktres ay hindi raw maliwasang ikumpara siya kay Ivana.

Para kay Carballo, ‘di hamak na mas maganda, mas sexy at mas mahusay umarte si Ivana kesa kay Kim.

Bago ‘isinilang’ ang karakter ni Bubble ay si Mosang (played by Lovi Poe) muna ang  agsilbing love interest ni Tanggol (Coco).

Ikinumpara rin ni Carballo si Ivana kay Lovi na mas nakakaangat.

Kung pipili rin lang daw ang teleserye ng kapali ni Ivana, sana’y kumuha ito ng mas mahigit kesa sa aktres at hindi ang tipo ni Kim.

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon si Kim kung may ligal ba siyang hakbang laban sa tinuran ni Carballo.

Kamakailan, si Carballo rin ang pumuna sa itsura ngayon ng dating matinee idol at ngayo’y pulitikong si Richard Gomez dahil sa buhok nito.

Much to the disappointment of Carballo, hindi siya pinatulan ni Richard.

Nagkaroon din noon ng bitter falling-out si Carballo kay Sharon Cuneta na muntik na siyang ihabla dahil sa mga paninira nito laban sa kanya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here