Home METRO QC gov’t employees na apektado ng Habagat, Carina gagawaran ng special leave

QC gov’t employees na apektado ng Habagat, Carina gagawaran ng special leave

151
0

MANILA, Philippines- Bibigyan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga empleyadong apektado ng bagyomg Carina at ng Southwest Monsoon ng special emergency leave (SEL).

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang SEL, nasa ilalim ng Civil Service Commission Memorandum Circular Nos. 2 at 16, S. 2012, ay igagawad sa mga empleyadong apektado ng mga kalamidad.

Base rin ito sa state of calamity na idineklara sa Quezon City at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Batay sa pinakabagong datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 14 indibidwal ang nasawi sa Luzon at Mindanao dahil sa Habagat at Tropical Cyclones Butchoy at Carina.

Walo ang kumpirmadong patay kabilang ang apat sa Zamboanga at tig-isa sa Northern Mindanao, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Metro Manila.

Sinisikap ng NDRRMC na beripikahin ang mga ulat ng limang nasawi sa Calabarzon anat isa pa sa Bangsamoro.

Nagdeklara rin ng state of calamity sa Cavite; Pinamalayan at Baco sa Oriental Mindoro; San Andres sa Romblon; Jose Abad Santos sa Davao Occidental; Kabacan at Pikit sa Cotabato.

Gayundin, inihayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. nitong Huwebes na nagdeklara rin ang Bataan, Bulacan, Cavite, at Batangas ng states of calamity.

Sa kasalukuyan ay nakapagbigay na ng P61,338,767 tulong sa mga biktima, ayon sa NDRRMC. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here