Home NATIONWIDE PBBM nakiisa sa INC anniversary

PBBM nakiisa sa INC anniversary

148
0

MANILA, Philippines- Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Sabado ang pagbati niya sa Iglesia ni Cristo (INC) sa pagdiriwang nito ng ika-110 founding anniversary, kung saan pinuri ito para sa “enduring faith, dedication, and positive impact.”

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Marcos ang INC members na patuloy na maging inspirasyon sa mga komunidad, palakasin ang kanilang pananampalataya, at sikaping makamit ang masaganang hinaharap para sa Pilipinas.

“Sa panahon ng kagalakan at sa gitna ng mga pagsubok, ang ating pananampalataya ang nagsisilbing ilaw sa ating landas at nagbibigay-lakas sa atin upang patuloy na magsikap at mangarap para sa mas magandang buhay. Ito rin ang gumagabay sa atin upang maging malikhain, matulungin, at kapaki-pakinabang na mamamayan, alinsunod sa mga salita at aral ng Poong Maykapal,” wika ni Marcos.

Ayon sa Pangulo, patunay ang 110th anniversary ng INC ng walang humpay na pananampalataya sa Diyos.

“Nawa’y magpatuloy kayong maging inspirasyon hindi lamang sa inyong pamayanan, kung hindi para sa buong bansa. Ang inyong walang-sawang paglilingkod at mga gawain ay naglalarawan ng pagkakaisa, pag-unlad, at mas malalim na pang-unawa bilang isang sambayanan,” giit ng Pangulo.

”Sa bawat hakbang ng kabutihan at malasakit, maging instrumento nawa tayo ng pagbabago sa ating lipunan, at ating isakatuparan ang Bagong Pilipinas na makabubuti para sa lahat,” dagdag ng Punong Ehekutibo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here