Home NATIONWIDE Public health advisory sa gitna ng Bataan oil spill inilatag ng DOH

Public health advisory sa gitna ng Bataan oil spill inilatag ng DOH

145
0

MANILA, Philippines- Naglabas ng public health advisory ang Department of Health (DOH) para sa mga apektado ng Bataan oil spill partikular para sa responders at clean-up workers.

“Bagama’t ang oil spill ay hindi pangakaraniwang trahedya, maaari itong magdulot hindi lamang ng pagkasira sa lamang dagat ngunit pati na rin sa kalusugan ng mga tao mae-expose dito,” ayon sa post ng DOH sa social media.

“Mula sa Kagawaran ng Kalusugan at sa lahat ng sangay ng pamahalaan na kasalukuyang nagtutulungan, pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat,” idinagdag pa nito.

Tinukoy ng DOH ang tatlong mahalagang paalala sa mga responder, volunteers at clean-up workers.

  • Magsuot ng protective gear tulad ng gown, guwantes, bota at salamin.

  • Hugasan ang mga damit at baso pagkatapos ng bawat operasyon sa paglilinis.

  • Itapon ng ang mga ginamit na guwantes.

Idinagdag pa ng DOH ang sumusunod na mga paalala:

  • Kung nadikitan ng langis, o isang tar ball sa balat, hugasan kaagad nang banayad na sabon at tubig.

  • Kung nalagyan ng langis ang damit, hugasan ito sa karaniwang pamamaraan, ngunit iwasang gumamit ng matatapang na detergent, solvent o iba pang kemikal.

  • Pigilan ang mga alagang hayop na pumunta sa mga lugar na kontaminado ng langis.

  • Siguraduhin na ang lahat ng basura, debris, at lahat ng natirang bagay na apektado ng oil spill ay itatapon sa wastong paraan.

Paalala rin ng DOH, siguruhing bukas ang komunikasyon, maging alerto sa updates kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa mga panahong ito.

Nauna rito, sinabi ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga nitong Sabado kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring makaapekto sa Bulacan, Cavite, at Pampanga ang oil spill na dulot ng lumubog na MT Terra Nova sa Bataan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here