Home NATIONWIDE Walang pasok sa ilang lugar sa sobrang init ngayong Nob. 3

Walang pasok sa ilang lugar sa sobrang init ngayong Nob. 3

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa ilang lugar at paaralan ngayong Martes, Nobyembre 3, 2026, dahil sa mataas na heat index at nakatakdang academic health break.

Batay sa mga anunsyo ng lokal na pamahalaan at mga paaralan, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Mulanay, Quezon; Himamaylan City, Negros Occidental; at Hinigaran, Negros Occidental.

Samantala, nagsimula ngayong Nobyembre 3 ang Academic Health Break ng Sultan Kudarat State University na tatagal hanggang Nobyembre 8.

Naka-academic break din ang Saint Francis of Assisi College–Taguig Campus mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 8.

Sa University of the Philippines Visayas naman, inatasan ang mga faculty member na may klase sa Iloilo City campus na lumipat muna sa remote o asynchronous learning ngayong Nobyembre 3 dahil sa mataas na heat index.

Pinapayuhan ang mga estudyante at magulang na patuloy na bantayan ang mga opisyal na anunsyo ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at paaralan para sa posibleng karagdagang suspensyon ng klase. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here