Home NATIONWIDE Taya sa Pasay, tumama sa P15-M Mega Lotto jackpot

Taya sa Pasay, tumama sa P15-M Mega Lotto jackpot

1
0

MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang lotto bettor matapos solong matamaan ang P15 milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 sa draw nitong Lunes, Nobyembre 2.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 11-02-26-07-44-05.

Umabot sa P15,000,000 ang jackpot prize.

Nabili umano ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Pasay City.

Samantala, walang nakakuha ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 na umabot na sa P326,053,355.61.

Ang winning combination para rito ay 45-43-07-53-25-48.

Bago ang panalo nitong Nobyembre 2, isang Mega Lotto 6/45 bettor din ang nag-uwi ng mahigit P115 milyon noong Oktubre 16. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here