Home NATIONWIDE Higit 5K flood control project sa buong bansa nagpapatuloy

Higit 5K flood control project sa buong bansa nagpapatuloy

182
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mahigit 5,000 flood control projects ang kasalukuyang ginagawa sa buong bansa.

Ayon kay DPWH Undersecretary Cathy Cabral, ang mga proyektong ito ay hindi kasama sa 5,521 flood control projects na natapos sa pagitan ng Hulyo 2022 at Mayo 2024 na iniulat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni Cabral na bagama’t hindi pa naganap ang kamakailang napakalaking pag-ulan na dala ng Super Typhoon Carina at habagat (monsoon rains), ang National Capital Region (NCR) at marami pang ibang bahagi ng bansa ay maaaring makaranas ng mas malala kung hindi dahil sa mga flood control projects ng gobyerno.

Idinagdag niya na ang sanhi ng pagbaha ay overpopulation at ang drainage system ay hindi na makayanan ang kapasidad nito.

Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga local government units at Metropolitan Manila Development Authority hinggil sa pagtatayo ng mga local drainage system na konektado sa national drainage. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here