Home METRO 229 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Zambo City

229 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Zambo City

96
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 229 na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang residential area sa Camino Nuevo, Zamboanga City nitong Biyernes, Hulyo 26, 2024.

Sa 229 na pamilyang nawalan ng tirahan, 116 ang may-ari ng bahay, 34 ang nangungupahan, 74 ang boarders, at tatlo ang sharers.

Ayon sa lokal na pamahalaan, pito ang nagtamo ng minor injuries.

Ang sunog na umabot sa ikatlong alarma ay sumiklab dakong alas-4:40 ng hapon at nakontrol bandang 9:25 p.m.

Tinatayang nasa P1 milyon ang pinsala.

Pansamantalang sumilong ang mga nasunugan sa Camino Nuevo covered court at binigyan ng mga relief items, kabilang ang pagkain, banig, kumot, at hygiene kit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here