Inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa halip sa Lunes Hulyo 29, ang itinakda ng pagbubukas ng klase ay kanya itong ipinagliban sa Agosto 5 para sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan.
“In the wake of the recent devastation caused by Typhoon Carina and the declaration of a state of calamity in our City, we are compelled to announce the postponement of the opening of classes at all levels for all public and private schools in Marikina, initially set for July 29, 2024,” pahayag ng alkalde.
Nabuo umano ang desisyon matapos ang maingat at ginawang konsultasyon sa School Division Office ng Marikina at mga maapektuhang pamilya.
Ayon kay Teodoro, prayoridad nila sa naturang desisyon ang kaligtasan at kapakanan ng komunidad, partikular na ang mga estudyante, guro at mga magulang, na naapektuhan ng kalamidad.
Samantala, ilang paaralan pa rin ang ginawang evacuation center sa ngayon ng mga pamilyang apektado ng bagyong Varina na hindi pa makakauwi sa kanilang mga tahanan. Toto Nabaja